-Wake up at 6 am
-Hinanap pa namin yun nearest Mcdo for our free breakfast. Ordered Sausage McMuffin w/ Egg, Hash Brown and Coffee..ayun kasi pinakamahal dun sa choices eh.
-Go back to the hotel to wait for our half-day city tour.
-The tour was fun and maraming new information akong nalaman about HK.. Lakas din ng kita nun tour guide namin dahil sa kanya kami nagpapalit ng HK dollars tapos dinala pa nya kami sa mga tindahan na may kickback sya like the clothes store and the jewelry store na wala naman akong kainteres interes bumili..We went to Avenue of Stars at nagpicture sa view ng Hongkong Island where you can see the tallest building in HK (the IFC Tower) na isang setting sa Dark Knight the movie. =) Went also to the Jumbo Floating Restaurant and pay 50HKD for the short boat ride..Nagpapicture din kami sa may Aberdeen (ocean Park) ayun nga lang wala na kaming time pumasok since balak nila magshopping sa hapon...The tour ended ng mga 1pm at nagpababa kami sa Tsim Sha Tsui and we tried the famous Roast Duck (also known as Peking Duck) Malasa sya at iba sa nabibili dito sa Pinas..Solb na ang aming lunch and we contributed 41HKD each.Grabe mahal! hehe
-Shopping time!! Una sa Tsim Sha tsui kami nagtingin tingin..Sobrang init ng araw! Ako wala naman ako mabili since ang mamahal din ng mga tinda so sightseeing na lang kami..Niyaya ko sila sa PAL office in HK and look for Ms Dina Mae (PAL country manager).. Too bad nasa MAcau sya..Nagtanong na lang ako sa nadatnan ko dun kung san maganda magpapalit ng PhP to HKD at ayun sinamahan kami.
-After namin sa Tsim Sha Tsui we rode the MTR and went to Mongkok (another shoppingan place) Naubos ang time namin kakahanap ng PSP na mura kaya lang halos ganun din mga presyo kaya yun naisip namin na dito na lang bumili.Naiinis din ako dahil yun memory stick na nabili ko sira..grrr!!Eh pano kaya yun...tapos yun nabili kong celphone sa daddy ko, mas mura pa pala yun ganun model dito sa Greenhills..hay kung alam ko lang...Hindi na kami nakapunta sa Ladies MArket at sa street ng mga sapatos dahil pagod na sila..Umalis kami around 630 pm at nagdecide sila na bumalik na ng hotel...
-Ang galing dahil 7pm na ay maliwanag pa rin ang langit..Dumidilim lang pag mga 7:30 na..hehehe
-Nasa MTR train na kami..hindi ko alam kung pano sasabihin..ayaw ko pang bumalik ng hotel..kasi pag bumalik na kami ng hotel parang goodbye na dahil alis na kami kinabukasan eh marami pa akong gusto makita..so sinabi ko sa kanila na babalik ako kahit mag-isa...Hindi naman ako natatakot since madali lang ang directions tapos may hawak pa ko na mapa..So ayun I leave them and return to Tsim Sha Tsui for the Symphony of Lights at 8pm..Mejo nalost din ako ng konti pero cge lakad lang ng lakad hanggang nakabalik na ko sa Avenue of Stars..Ang astig!!!Its a great feeling to watch the symphony of lights..After that ayun lakad lakad I saw the Clock Tower..Tapos maaga pa so nagpunta ulit ako sa Mongkok for the Night Market..wala pa kasi akong nabibili eh aalis na kami kinabukasan..Siguradong sesermonan na naman ako dito pag wala akong naiuwi sa kanila na kahit ano..Buti gumana pa yun MTR ticket ko first stop ay dun muna ako sa street ng mga sapatos..Grabe sobrang haba ng street puro sapatos lang tinda. I bought a sneakers worth 200HKD tapos bumili ako ng mga pampasalubong na HK tshirts,polo na pampasok at kung ano ano pa..Parang Divisoria sa Ladies Market..Isang mahabang street na puro tyangge...Mahal din ang mga tinda kaya konti lang mga nabili ko..Hindi na ko nakadinner so nagtakeout na lang ako ng slice ng Pizza Hut worth 23HKD...11pm na so inisip ko na umuwi na since hahanapin ko pa yun nearest MTR station and the MTR closes at 12..Lakad lang ako ng lakad and i dont know where to go..Sa wakas nafigureout ko din at nakadating na ko sa MTR station.Nagexpire na yun MTR ticket ko so bumili na lang ako ng ticket from Mongkok to Tsuen Wan worth 9.50HKD.
-Ang dami pa din tao sa train kahit past 11 na ng gabi..Haha ang sarap magsightseeing sa HK!!! Isang natutunan ko sa tour namin, kaya pala sexy ang mga Chinese dahil palagi silang umiinom ng tea kaya bihira ang makikita mo na matabang Chinese di gaya ng mga tao sa US na puro mataba mga tao..
-yun 10 minute walk from MTR station to our hotel ay inabot ako ng 20 minutes ata dahil mali pala yun nadaanan ko..Yun nakita ko na yun hotel namin ay naging kampante na ko since nakabalik na ko at nakaya ko maggala sa HK kahit mag-isa. =)
-I ate the pizza at nagligpit na rin ako ng mga gamit ko since alis na rin kami early in the morning kinabukasan...I slept around 2am na din
Kung yun sa Day 1 namiss ko yun Disneyland fireworks...Gusto kong bumalik sa HK to visit Ocean Park..Nababasa ko na mas maganda ang OP sa disneyland kaya lang kulang na talaga ang time namin para sa ibang pupuntahan..Marami pa rin kaming hindi napuntahan so sa next time na pagpunta ay no to shopping na at yes to sightseeing na lang!dahil halos pareho din naman ng presyo sa HK saka dito sa tin..
-end of Day 2! =)
akala ko ba cute yung tour guide nyo?!!!
TumugonBurahinmukha namang may bibilin si paolo dyan.
TumugonBurahinsi japoy lang pala lost in HK
TumugonBurahinkasi yung mga kasama laging pagod
TumugonBurahinwala naman akong sinabi na ganun ah??hehehe
TumugonBurahinaba aba aba humohongkong ka pala kuya jas. and im not even invited.. huhu ahahaha huuuuuuuuuug kuya jas! europe tour soon!!!!!! wootwoot!
TumugonBurahinsorry for the boys only..haha
TumugonBurahineurope tour ba?ilibre mo pocket money ko!!!ahahaha
huuuuuuug! =)