I just want to share this one. Late na ako nakakauwi araw-araw... eto pauwi na lang ako may nangyari pa..
Habang nasa jeep ako, biglang may kumalabit sa kin..pagtingin ko may mama na hindi ko kilala na kumausap sa kin..Nakaearphones ako kaya di ko naintindihan yun sinabi nya..so yun tinanggal ko yun earphones ko, aba ini-english ako ng loko...syempre nagulat ako at kinabahan...di ko alam ang gagawin ko eh...parang sabi nya,"hey look at that pretty girl talk to her now.." eh hindi naman maganda yun tinuturo nya.ahaha..Di ko sya pinansin tapos nun bumaba na yun babae, sabi ba naman sakin..."Sayang ka! ang hina mo! ang guwapo mo pa naman!" hala sino ka?at bakit mo ako sinasabihan ng ganyan..nakakahiya dahil ang daming ibang pasaherong nakakarinig...Syempre ako di ko sya tinitgnan dahil baka kung ano pang sabihin nya..Pinapakinggan ko lang sya at usap pa rin sya ng usap habang nakaearphones ako pero tinanggal ko yun volume para marinig ko syempre yun sinasabi nya..Ayun tinatawag nya ulit ako...sabi sa kin "Hey young boy, can i make friends with you?" Kunyari hindi ko na sya naririnig..Nakatingin na lang ako sa labas at parang walang nangyayari..
Nkakainis talaga yun mamang yun..ang praning! lasing ata eh o nasisiraan na ng ulo..Nakakatakot! iniisip ko baka sundan ako nito pagbaba ko ng jeep pero buti nauna sya bumaba. Pagbaba nya ay nakangiti pang nagbabay sa kin.. Sinabi ko na lang "Sira-ulo!" pero hindi malakas baka bumalik at awayin pa ko..Ayun pagbaba nun mama ang reaksyon nun ibang pasahero na sira nga ata ulo nun tapos tumatawa pa yun iba...at ayun mejo nawala na yun kaba ko..ahehehe..Kung sa inyo mangyari ang ganun...katakot noh! anong gagawin nyo? sabi ni kee eh di imumultiply..ahahaha hello kee! :)