Dahil Saturday at wala naman akong social life or gagawin sa bahay, nagpunta akong MOA mag-isa. Nabasa ko kasi sa billboard na may event ang Globe, yun Globe Kantabataan at andun yun idol kong si Yeng at ang Sugarfree. Andun din ang Hale, Imago at Sponge Cola. Syempre di lang yan yun pinunta ko dun, tinignan ko rin yun bagong tayong Fitness First dun.
I left the office at around 1:20 and i need to cross a highway para makarating sa kabila...sa kabilang side kasi dumadaan yun mga sasakyan papuntang MOA yun mga blue at kulay orange na sasakyan. Mga 15 minutes din ako nag-abang dahil puro puno na yun dumadaan. Ayun nakarating na akong MOA at naglunch ako sa Sbarro. I just ordered a pizza at nagulat ako 197 pesos na yun bill ko hehehe mahal pala nun napili ko. Buti may 500 bill pa ko sa wallet ko. Ayun na yun hanggang gabi na yun kinain ko dahil nabusog naman ako dun eh. After that naglakad lakad na ko at nagtingin tingin..Actually hinahanap ko yun bagong Fitness First at paikot ikot na ko hindi ko talaga mahanap. Then tinanong ko na yun guard..nasa ibang building pala yun..tsk tsk.
Nagworkout ako for 2 hrs. Yun ok naman yun mga lockers nila, hindi na kelangan ng susi..itatapat mo na lang yun card at automatic na sasara yun lock. yun una di ko alam kung pano gumana yun kaya tinanong ko pa yun manong dun kung pano...madali lang pala hehehe. Mas malaki ang FF MOA kesa sa FF RSC pero kung dun ako magwoworkout palagi parang magastos at mahirap umuwi..ok na ako sa may ayala dahil may FX na dun papuntang Rizal. ok din ang threadmill nila may tv at radyo per threadmill saka yun mga machines nila parang digital icocount nya yun number of reps na nagagawa mo...pero dun na lang ako sa Ayala kahit mag manual counting na lang ako.nakakatakot din kasi maglakad dun pag gabi eh..
After ko mag-gym ay nagpunta na ako dun sa Globe Kantabataan Grand Finals. actually hindi ko kilala yun mga finalists dun. yun dumating ako tapos na ang Imago at Sponge cola...Hale na yun tumutugtog..ang dami din nila kinanta 7 yata yun...actually hindi na ako pumasok sa loob dun lang ako pumwesto sa gilid yun malapit sa stage. 5 yun finalist at ayun napakinggan ko din lahat. Astig pala ng drummer na babae...hehe wala lang ang cute lang kahit mahina lang yun pagstrum nya compared sa mga drummer na lalaki.After nila magperform ay dumating na si Yeng..5 yun kinanta nya including the kantabataan theme song. After that inannounce na yun winners. Event pala yun ng Magic 89.9 so yun mga host ng Boys Night Out yun parang emcees. Nakita ko si DJ Miles yun DJ pag hapon from Mon-Thurs 3-6pm..Ok pala yun face nya at sexy pala sya hehe. After the announcement of winners, Sugarfree na yun tumugtog. Astig talaga magperform si Ebe lalo na pag live..nakakatuwa comedy hehe. Ang galing nun mga drummer..tinitignan ko sila parang ang hirap ng gawain nila..kelangan makuha mo yun beat tapos hands and feet pa yun ginagamit nila pagtugtog. Naaastigan lang ako sa mga marunong magdrums.
Then kapag may concert, hindi mawawala ang mga batang ewan na naka color black na damit,naka checkered na pants,may make-up na black - ang mga KURIMAW! nakakatakot sila sobrang dami nila. Andun pa naman ako sa labas....yun nkita ko na maraming kurimaw sa likod na sinisiksik ako umalis na lang ako ng pwesto at lumipat na lang...baka agawin pa nila yun phone ko or baka holdapin pa nila ako mahirap na kasi nagrerecord din ako ng video nun using my phone eh. Ayun natapos na yun palabas ng mga 10:15pm. Syempre ang tapang-tapang ko magpagabi eh first time kong umuwi galing MOA (commute). Hindi ko alam kung tama yun nilalabasan ko basta lakad lang ako ng lakad. Basta dinadasal ko na sana hindi ako maholdap buti hindi naman. Pero paglabas ko ng building andun yun sobrang daming kurimaw na kinakatakutan ko. Nakatambay sila dun sa labas nakaupo yun iba tapos yun iba ang gugulo.. Dinaanan ko nalang sila kesa bumalik pa ko sa layo na ng nilakad ko. Tinitignan ko nga baka may sumusunod na sakin. I walk through the parking lot at buti nakita ko na yun mga empleyado na palabas kaya sinabayan ko na lang sila kung san sila pupunta. Ayun nakasakay naman ako sa sasakyan hanggang Taft and then sa Taft marami nang bus papuntang Crossing. (Kee! Tinandaan ko yun sinabi mo sakin dati na ginawa mo nung umuwi ka ng late galing MOA) Sa crossing, kumain muna ako sa Tapa King and then umuwi na. Madali na from dun dahil marami nang FX dun papuntang Taytay. Ayun nakauwi na ako sa amin ng mga 12:15am safely..buti naman!
With that experience, natuto na ako umuwi galing MOA ng late pero syempre ayoko na gawin ulit...kakatakot eh!