Linggo, Disyembre 16, 2007
wag tularan...another first time experience
Miyerkules, Disyembre 12, 2007
Budget/Pricing Review
Linggo, Disyembre 9, 2007
December 8-9 Gurlfrends Christmas Party and other Sidetrips
I started my day by going to the office and staying there until 2pm. Since I'm on leave on Monday, I need to do many work because I will be attending my first Budget/Pricing Review on Wednesday..Basta hindi ko sya natapos so marami akong sinave sa flash ko para iuwi na lang ang trabaho...pero goodluck hanggang ngayon hindi ko pa nagagawa hehehe.
Then nagpunta ako sa World Christmas Bazaar sa World Trade Center since katabing building lang sya ng PAL. Sobrang dami kong nashopping since kakabigay lang ng bonus nun friday..Grabe sobrang daming tao..sobrang hirap maglakad. May mga artista rin akong nakita sa loob since ABS-CBN yun parang naghold nun bazaar na yun. I saw Andrea Del Rosario, Gladys Reyes, Jodi Sta. Maria, Chynna Ortaleza(GMA sya) pero may stall din sila. Meron kasing Celebrity Village na kung saan andun yun stalls ng mga artista pero wala naman sila dun kaya sila lang nakita ko. Maganda pala si Jodi at ang cute nun baby nya haha la lang.. Inikot ko lang yun buong place at natapos ng mga 5 at umuwi na rin. Grbe sobrang traffic pauwi so I think malelate na ko sa gurlfrends xmas party.
Nakarating na ko sa Kingsville ng before 9pm. Well pagdating ko andun na sila pero di pa pala nagsstart ang party...hehe buti na lang. Then kumain na kami..sobrang dami ng food...sarap sarap especially the sisig by cess father!!! Pagkatapos kumain bigayan na ng gifts for kris kringle..nabunot ako ni mae at binigyan nya ako ng gloves for my workout sa gym..after that binuksan na un box at nagbasahan na kami ng mga predictions for 2007..galing ni al napredict nya na kinikilig na naman ako dahil sa may crush ako sa office hehe tama! After nun, nagsulat na naman kami pero hindi na predictions, wishes naman na achievable in a span of 1 year..wishes for myself at dun sa taong nabunot ko. Then pagkatapos nun INUMAN NA! This is my favorite part and the best part of the party. For some details, pictures see multiply of the other gurlfrends. pero here's the summary..Meron kaming English rule na kung saan pag nagsalita ka ng tagalog ay iinom ka..nakakatuwa yun jury/judge namin walang iba kundi si Mr. Joey Rufo/Ruffles/Zaido/Dennis Trillo hehe ano pa ba..Idol kita pero not until 4am. Grabe english ni Joey parang si Mo Twister sa Goodtimes. Meron mga tanong at tungkol sa mga firsts..so tinanong si Jane kung sino ang kanyang first kiss...hindi naman nasagot ni Jane dahil si Aloha biglang sumagot...Then napunta na ang topic sa Joey-Aloha loveteam way back in 2004-2005. Ayun I listened to the arguments of the two at I agree with Joey dun sa sinabi nya about dun sa pink na damit ni Al. naattract din ako dati dun at kinikilig ako dati pag suot ni Al un pink na yun bagay sa kanya. Well tama na to dahil sabi nga nila tapos na to..may gf na si joey at ako i think nakamove on na din. habang umiinit ang usapan ay sinasabayan namin ng pag-inom ng el hombre, jose cuervo at nakalimutan ko yun name nun vodka na peach flavored na binibigay ng aming tanggero na si mike. Mabilis ang ikot ng pag-inom dahil 4 ang aming shot glass. Meron pa pala laming Gin partnered with the lime...pinaghalo yun dalawa at ayun sobrang sarap! pero sabi nila yun daw yun traydor na drink..Unang casualty si Aloha. Ayun pinapunta na sya dun sa library para dun matulog. Next casualty ay si Mel. I wont go into details anymore kasi eeewiness!hehe. Binuhat namin si Mel sa attic at hiningal kami 2 ni Mike sa pagbuhat sa knya..Tinapos namin ang inuman with Red Horse at after nun ay tulugan na.Kala ko ay 2 lang ang casualty pero may humabol pang isa...Nakahiga na sya sa kama ng biglang...si Joey nagsuka!nasukahan nya yun kama sa attic at ayaw pa nya umalis malayo naman daw yun suka nya eh nahihigaan nga nya yun..Failure si Mike dahil di nya napatumba si Nerisse. Ayun si Mel nanlalait na naman...she doesn't wants to be mabaho daw...eh sino ba yun mabaho..hahaha.After that natulog na kami ng mga 5am.
We wake up around 10:30am and kumain na kami ng breakfast..Wala na pala nun sina Jane,JC,Marci,Erle, Bebs at Ronald dahil umuwi na sila...Natira na lang ay sina Al,Nina,Mel,Nerisse,MaeFe,Cess,Mona,Mike,Joey at ako. After kumain ay sabay na kami ni Nerisse palabas ng Kingsville..Eto nakakahiya...I thought hindi ako lasing...bad friends talaga ang gurlfrends...hindi man lang nila sinabi na baliktad pala yun damit ko..hehe kaya ayun naglakad kami ni Nerisse at ayun namasyal pa ako sa Sta. Lucia at hindi ko alam na baliktad pala yun damit ko..Nalaman ko na lang na baliktad nun pagdating ko sa bahay at napansin ng mommy ko na baliktad daw..Hay grabe!! Ang saya saya talaga ng party namin.
Sa susunod ay sa Boracay naman ang aming next..Sino kaya ang magiging mga casualty?sana maraming makasama para masaya...
Hay buti na lang nakaleave ako ngayon...Makakarest ako kahit konti dahil nag-start ko na mafeel ang mastress sa work. Hanggang dito na lang ang aking kwento...hehehe Bow. =)
Linggo, Nobyembre 11, 2007
My First Mall of Asia Gala Alone
Dahil Saturday at wala naman akong social life or gagawin sa bahay, nagpunta akong MOA mag-isa. Nabasa ko kasi sa billboard na may event ang Globe, yun Globe Kantabataan at andun yun idol kong si Yeng at ang Sugarfree. Andun din ang Hale, Imago at Sponge Cola. Syempre di lang yan yun pinunta ko dun, tinignan ko rin yun bagong tayong Fitness First dun.
I left the office at around 1:20 and i need to cross a highway para makarating sa kabila...sa kabilang side kasi dumadaan yun mga sasakyan papuntang MOA yun mga blue at kulay orange na sasakyan. Mga 15 minutes din ako nag-abang dahil puro puno na yun dumadaan. Ayun nakarating na akong MOA at naglunch ako sa Sbarro. I just ordered a pizza at nagulat ako 197 pesos na yun bill ko hehehe mahal pala nun napili ko. Buti may 500 bill pa ko sa wallet ko. Ayun na yun hanggang gabi na yun kinain ko dahil nabusog naman ako dun eh. After that naglakad lakad na ko at nagtingin tingin..Actually hinahanap ko yun bagong Fitness First at paikot ikot na ko hindi ko talaga mahanap. Then tinanong ko na yun guard..nasa ibang building pala yun..tsk tsk.
Nagworkout ako for 2 hrs. Yun ok naman yun mga lockers nila, hindi na kelangan ng susi..itatapat mo na lang yun card at automatic na sasara yun lock. yun una di ko alam kung pano gumana yun kaya tinanong ko pa yun manong dun kung pano...madali lang pala hehehe. Mas malaki ang FF MOA kesa sa FF RSC pero kung dun ako magwoworkout palagi parang magastos at mahirap umuwi..ok na ako sa may ayala dahil may FX na dun papuntang Rizal. ok din ang threadmill nila may tv at radyo per threadmill saka yun mga machines nila parang digital icocount nya yun number of reps na nagagawa mo...pero dun na lang ako sa Ayala kahit mag manual counting na lang ako.nakakatakot din kasi maglakad dun pag gabi eh..
After ko mag-gym ay nagpunta na ako dun sa Globe Kantabataan Grand Finals. actually hindi ko kilala yun mga finalists dun. yun dumating ako tapos na ang Imago at Sponge cola...Hale na yun tumutugtog..ang dami din nila kinanta 7 yata yun...actually hindi na ako pumasok sa loob dun lang ako pumwesto sa gilid yun malapit sa stage. 5 yun finalist at ayun napakinggan ko din lahat. Astig pala ng drummer na babae...hehe wala lang ang cute lang kahit mahina lang yun pagstrum nya compared sa mga drummer na lalaki.After nila magperform ay dumating na si Yeng..5 yun kinanta nya including the kantabataan theme song. After that inannounce na yun winners. Event pala yun ng Magic 89.9 so yun mga host ng Boys Night Out yun parang emcees. Nakita ko si DJ Miles yun DJ pag hapon from Mon-Thurs 3-6pm..Ok pala yun face nya at sexy pala sya hehe. After the announcement of winners, Sugarfree na yun tumugtog. Astig talaga magperform si Ebe lalo na pag live..nakakatuwa comedy hehe. Ang galing nun mga drummer..tinitignan ko sila parang ang hirap ng gawain nila..kelangan makuha mo yun beat tapos hands and feet pa yun ginagamit nila pagtugtog. Naaastigan lang ako sa mga marunong magdrums.
Then kapag may concert, hindi mawawala ang mga batang ewan na naka color black na damit,naka checkered na pants,may make-up na black - ang mga KURIMAW! nakakatakot sila sobrang dami nila. Andun pa naman ako sa labas....yun nkita ko na maraming kurimaw sa likod na sinisiksik ako umalis na lang ako ng pwesto at lumipat na lang...baka agawin pa nila yun phone ko or baka holdapin pa nila ako mahirap na kasi nagrerecord din ako ng video nun using my phone eh. Ayun natapos na yun palabas ng mga 10:15pm. Syempre ang tapang-tapang ko magpagabi eh first time kong umuwi galing MOA (commute). Hindi ko alam kung tama yun nilalabasan ko basta lakad lang ako ng lakad. Basta dinadasal ko na sana hindi ako maholdap buti hindi naman. Pero paglabas ko ng building andun yun sobrang daming kurimaw na kinakatakutan ko. Nakatambay sila dun sa labas nakaupo yun iba tapos yun iba ang gugulo.. Dinaanan ko nalang sila kesa bumalik pa ko sa layo na ng nilakad ko. Tinitignan ko nga baka may sumusunod na sakin. I walk through the parking lot at buti nakita ko na yun mga empleyado na palabas kaya sinabayan ko na lang sila kung san sila pupunta. Ayun nakasakay naman ako sa sasakyan hanggang Taft and then sa Taft marami nang bus papuntang Crossing. (Kee! Tinandaan ko yun sinabi mo sakin dati na ginawa mo nung umuwi ka ng late galing MOA) Sa crossing, kumain muna ako sa Tapa King and then umuwi na. Madali na from dun dahil marami nang FX dun papuntang Taytay. Ayun nakauwi na ako sa amin ng mga 12:15am safely..buti naman!
With that experience, natuto na ako umuwi galing MOA ng late pero syempre ayoko na gawin ulit...kakatakot eh!
Huwebes, Oktubre 25, 2007
JEEP TALK...
**got this from tina. haha natuwa lang ako sagutan to.
1. Ano'ng byahe ng jeep ang madalas
mong sakyan?
- nun college, taytay-cubao tapos ngayong working na ko bihira na ako magjeep eh.fx ako lagi
2. Ano'ng oras ka bumibyahe?
- anytime
3. Magkano pamasahe mo?
- 17 pesos din (taytay-katipunan)..tapos 7 pesos hehe pag malapit
4 . Gaano katagal ang byahe mo?
-1hr 15 mins on the average (papuntang katipunan yan ha from taytay)
5. Saan ka madalas umupo?
- sa dulo.
6 . Mahilig ka ba sumakay sa "patok"? -
- hindi...kasi hindi naman way ng patok yun papunta samin eh
7. Bakit?
-hindi nga eh.
8 . Habang nasa byahe, paano ka nagpapalipas ng oras sa jeep?
- TULOG!
9. Nakakatulog ka ba sa byahe?
- Always! pero syempre pag short distance hindi naman
10. Ano'ng radio station ang madalas mong ma-tyempuhang pinakikinggan ng driver?
-"hi pangga!"hahaha (91.5 energy-fm) saka "kelangan pa ba imemorize yan?!" (90.7 love radio)
11. Gusto mo ba ng loud music?
-ok lang naman
12. Ano'ng sinasabi mo kapag bababa ka na?
- MA PARA! tapos ipipitik ko yun daliri ko sa kisame ng jip hehehe
13. Naranasan mo na bang di magbayad sa driver?
-yata...pero di ko intensyon yun ha
14 . May nakaaway ka na ba sa jeep?
- hindi ako warfreak eh...pero kainis talaga minsan yun mga driver ng jip...inaabuso nila ang mga klabataang tulad ko ahahaha..sabi kulang daw bayad ko eh bilang na bilang ko yun.
15 . Mahilig ka bang manlibre ng pamasahe?
-hindi...kuripot ako eh...pero syempre pag crush ko hindi ako kuripot hahaha. :)
16 . Mahilig ka naman bang magpalibre?
-hindi naman makapal mukha ko eh
17 . Paano ka nagre-react kapag biglang nagpreno?
-wala lang...minsan napapamura ng pu**a or s**t pag sobrang gulat...
1 8. Naranasan mo na bang di masuklian?
-oo naman!hay nakoh kainis yan kaya laging sakto ang binabayad ko eh.
19 . Nakalampas ka na ba sa biyahe?
- hahaha oo naman
20 . Sa anong dahilan?
-sa sobrang tulog
21. (hahaha walang number 21!)
22. Naranasan mo na bang hindi pagbayarin ng mismong driver ng jeep?
- hindi pa...wala akong kamag-anak or kakilala na jeepney driver eh
23 . Naranasan mo na bang ma-stranded sakay ng jeep?
- oo yata
24. Na-hold-up ka na ba sa loob ng jeep?
-ayaw ko din mangyari to..buti naman hindi pa ako natsempuhan ng mga holdaper...wag naman sana
25. Nasuka ka na ba sa jeep?
-oo nun elementary pa lang ako (sobrang byahilo ako dati)
26 . Maliban sa mga nabanggit dito, ano pa ang kakaiba mong karanasan habang
sakay ng jeep?
-hmm. madami..iba-iba! sight-seeing!haha ang first time ko sumabit sa jip dahil sa wala na ako masakyan at muntik pa ako mahulog hay buti na lang hindi..
27 . Ano ang pinakamalayong destinasyon mo sakay ng jeep?
- hindi ko na matandaan hehehe
Lunes, Oktubre 8, 2007
BREWRATS!
hay naaadik na ako makinig sa brewrats! simula nun umuwi na ako ng late habang naghahanap ng mapapakinggan sa fx, napatigil ako sa 99.5 and i find na naistuck na ako dun sa station na yun hanggang makauwi na ako. simula nun, naging avid fan na ako ng show na yan. i find the show informative, interesting at minsan matatawa na lang ako mag-isa. mejo ok yun mga pinag-uusapan nila pero mejo pang-mature pag sobrang late na. brewrats is a program hosted by dj tado and dj angel aka erning from strangebrew, and dj ramon bautista(up masscom prof daw).mon-thurs sya from 9pm-12am sa 99.5hit fm. basta ang kulit nila at marami pa kong nalalaman na kung ano-ano hahaha. i recommend these program lalo na sa mga taong nalulungkot at nagpapakasenti tulad ko. hahaha
here are the brewrats 10 commandments (from friendster) hehe naaliw lang ako dito
1. thou shall eat papaya so you wont be too horny.
2. we are your friends you should tell us your secrets.
3. thou shall wear sando on thursdays.
4. brewhas should show brewhos their kinky pictures.
5. thou shall pick-up pencils whenever it falls down.
6. thou shall share what they have (panext).
7. people of the philippines should study well so you wont be illitirate.
8. thou shall buy shirts in LIMITADO.
9. thou shall watch the RAMON BAUTISTA show.
10.thou shall listen to BREWRATS, every monday-thursday from 9:00-12:00am.
-kung di kayo makarelate, try nyo makinig minsan! =)
Linggo, Oktubre 7, 2007
Relocation of work from Makati to Pasay
| Start: | Oct 28, '07 |
| Location: | Diosdado Macapagal Avenue, PNB Financial Center, Pasay City |
First Ever Blog Entry
Hay! After a long time of having a multiply account, ngayon lang ako magsusulat ng blog. Actually, i have no idea of what to write..wala lang..si kee kasi eh pinansin ako napressure tuloy ako.hehe ang panget ng first entry ko, walang sense. =)