
-sorry kung hindi sunod-sunod ang pictures..3 camera kasi yan na pinagsama-sama ko na..
mga bakasyonistas: Jasper-Tony-Darwin-Christine-Aimee-Joan
November 29, 2008
First time namin lumakad ng mga officemates..thanks to the long weekend (Bonifacio Day and Pasay Day) kaya natuloy tong lakad na to..Bawal kasi kami magleave ng sabay-sabay and tamang-tama yun time na yun to relax, have fun, at lumayo sa stress.
We left the office around 1 pm at sobrang madali kami baka maiwan kami ng eroplano..Buti na lang hindi traffic..Naging maayos at mabilis naman ang aming check-in at ayun fly to Tagbilaran na kami. Nakasabay nga pala namin si Paul Conda and Elaine Buday dun sa flight na yun. We left Manila ng 3 PM at nasa Bohol na kami ng mga 4:15. Hindi na kami nagcheck-in ng bags para mabilis..puro hand-carry lang dala namin..
Dinala na kami sa aming tutuluyan and para walang masayang na oras, nag-ikot-ikot na kami sa paligid hanggang inabot na kami ng gabi dun sa Alona Beach. Dun na din kami nagdinner ng barbeque, liempo, chicken feet..
Paguwi namin.nagbihis na kami at nagprepare sa aming bonding/inuman/kwentuhan time. Naglaro kami ng 1-2-3 pass at ang matalo ay iinom.Hindi nagtagal ang game namin dahil sinita kami nun mga kapitbahay dahil maingay daw kami..Nauwi na lang sa tagay-tagay at sa kwentuhang kami na lang ang nakakaalam...hehehe..merong naganap na debate at sobrang i love every minute of it. It was really a fun night for the 6 of us! sayang wala ang iba pa naming officemates hehehe.
Nga pala, we are on a budget trip kaya mejo tipid kami sa aming paggastos. Hanga ako kay Christine dahil sya yun nagbudget ng buong stay namin sa Bohol..We just gave her 3,000 each at ayun for 3 days na yun at sya na bahala sa lahat..Hindi kami kumuha ng tour package dahil mahal and good decision yun dahil mas nakamura kami ng kami-kami lang ang gumawa ng itinerary namin. Over-all around 5,000 pesos lang nagasta ko sa 4days 3nights namin sa Bohol-Cebu trip kasama na jan ang 17 pesos na airfare namin as PAL employees.
Just wait for the kwentos of our days 2-4 in Bohol and Cebu kapag sinipag na ulit ako mag-upload ng pics.