Linggo, Oktubre 5, 2008

Lost in Macau... (Day 4 of our HK/Macau Trip)




Day 4 na..at last natapos ko na din iblog ang aming HK/Macau trip last Aug28-31..hehe

-halos 2.5 hrs lang ang tinulog ko dahil 4:30 na kami nakauwi dahil sa pagcacasino..habang tulog pa ang lahat,gumising na ko,naligo at nagprepare para on the go kaagad diba.

-had our free breakfast sa beverly plaza hotel..at sobrang dami ng food..buffet table kasi sya at kaw na ang mamimili kung ano gusto mo kainin..hindi alam ng mga kasama ko na may kapalpakan akong ginawa dun...muntik na ko makasunog..hahaha kasi nagpasok ako ng monay (bread) sa toaster na pang-flat/tasty bread..so ayun nagstuck yun monay..ayaw na nya lumabas at nasunog na sa loob..napansin na nun mga chinese na umuusok na at nag-aapoy na sa loob ng toaster..nagsorry ako at umalis na dun..hehehe

-after nila mag-ayos ng mga gamit nila..nagcheck-out na kami sa hotel ng mga 11:30 para pumunta na sa airport samantalang 3:40 pa yun flight namin..maaga kami umalis dahil hindi namin alam kung pano magpunta ng airport..ayun antagal din namin mafigure-out yun pagpunta sa airport..long walks under the sun with our baggages..study the map..ask for directions..di kami pinansin nun ibang chinese..buti na lang may pinoy na nagturo sa amin...

-sumakay kami ng bus 26A going to the airport..hindi namin alam na bayad muna..kasi were waiting for some kind of konduktor para singilin kami..hanggang sumigaw na yun driver at kung ano-anong sinabi na hindi namin naiintindihan..hahaha 3.30 MOP lang naman yun fare so yun kasama ko hinulog na lahat ng barya nya dahil sa galit na yun driver..fun talaga dahil yun bababa na kami ng bus, hindi nmin alam na sa likod pala yun exit tapos kami sa harap lumabas so binlock namin yun mga pumapasok na pasahero..at ayun nasigawan ulit kami ni manong driver..sorry po...tourist kami at first time namin.haha

-nasa airport na kami ng mga 12:30 tapos 1:40 pa mag-oopen yun check-in counters so upo lang ako dun sa airport while sightseeing for cute chinese girls.hehe..nakatulog ako sandali and nun sa check-in counter na, kinabahan ako dahil ang daming pasahero ng PAL..may chance kasi na madenied boarding ako kapag puno yun flight..so buti na lang hindi rin pala napuno yun airplane namin...nagduty free kami dun at nanghihinayang kami dahil mura pala dun compared sa price sa duty free dito sa atin..

-ayun boarding na ng 3:20 at sumakay kami sa A320-P8604..Masaya dahil window seat ulit ako tapos vinideo ko yun take-off at yun landing namin..hehe..Masarap talaga ang mga pagkain sa airplane..Sobrang ok yun seafood mix na food ko..The flight from Macau to Manila is around 1 hour 45 minutes..Dumating kami sa Manila na sobrang lakas ng ulan..Habang pababa kami, nakakatakot dahil kitang kita sa window na dumadaplis yun kidlat sa airplane namin..Kitang kita talaga yun mga spark..Buti naman safe kami nakalapag sa NAIA..

-Hay we're back! tapos na ang vacation mode..balik na ulit sa normal dito sa Philippines..wala na ko masabi..im speechless. Sana makabalik ulit kami sa Macau!!! =)

Miyerkules, Oktubre 1, 2008

Ola MACAU!!! (Day 3 of our HK/Macau Trip)




-late na tong post na to..sorry kung pauli-ulit dahil pictures were taken from 3 cameras.

-Nagpunta ulit kami sa nearest Mcdo to eat our breakfast. Again Sausage McMuffin with Egg and Hash Brown for me.

-Go back to our hotel and prepare to go to ferry terminal. We asked for directions because we're lost while looking for the terminal. Good thing we arrived early..10:30 pa yun sked namin pero naisingit na kami sa 10am sked. Nakakahilo sa ferry boat! The travel from HK to Macau ferry terminal is about 45 minutes to 1 hour.

-We're in Macau!!! we're lost again..we don't know how to go to our hotel from the ferry terminal. We rode the Venetian shuttle and we're dropped sa Venetian hotel..hay mali pala..tanong-tanong tapos bumalik kami sa Ferry terminal..Hindi na kami nakapunta ng hotel since may tour kami ng 1pm..Hindi na rin kami nakalunch since naliligaw kami at hindi naman alam ang pupuntahan..Hay daming oras ang nasayang..pero ok lang..Experience is the word! We met our tour guide at kamusta naman dala namin ang bagahe namin while on tour..

1st stop? the portugese houses...then stopover sa parang bakery and bought chinese egg tarts...and then sa Venetan Hotel..we're given 2 hours para gawin ang gusto namin sa hotel..Ang loser namin dahil we spent all of our 2 hours sa casino lang...hindi na namin napuntahan yun iba..1st time ko to enter a casino..bawal ang picture so wala akong pictures sa kahit anong casino..Sinubukan ko yun slot machines!!nakakaadik!!! ang gastos magbet!! buti na lang merong Beginner's luck kaya nagkaron ako ng capital sa pagcacasino hehehe..Imagine sa slot machine, by betting 20HKD i won 567HKD sa pagpindot pindot lang ng kung ano-ano..haha.With that sabi ko we'll be rich later in the evening..hahaha..Bumalik kami ng shuttle at kami na lang pala inaantay ng grupo..Buti hindi kami iniwan kundi bitbit din nila yun baggage namin..After that we go to Macau Museum and then took pictures sa Ruins of St Paul..tapos punta kami sa A-Ma Temple..Our last stop is sa Macau Tower where we go to the 58th and 61st floor of the tower..Watched someone na nagbungee jump..We didn't try it kasi ang mahal!!!1350HKD for a jump..wag na noh! Our tour ended around 6:30 pm at binaba kami sa ferry terminal..

-eto na naman kami..lost again with our baggages..hindi pa rin namin alam kung pano magpunta sa hotel namin..waited for our hotel's shuttle..grabe tagal ng shuttle..around 7:30pm na rin kami nakacheck-in sa hotel namin at sobrang nalipasan na kami ng gutom

-Buti na lang andun si Allan (taga-Taytay who works in Macau) at tinour nya kami around Macau..dala pa namin yun cool car na pag-aari ng friend nya.Astig talaga ganda ng mga kotse.. Nilibot kami sa buong Macau..roadtrip talaga..tapos sagot nya lahat yun dinner namin..Dami nyang inorder! Busog na busog kami..Beer na agad yun inorder nya so from there nakainom na kami ng Tsingtao beer.

-after dinner, dinala nya kami sa favorite bar nya na may nagpeperform na Filipino band. Magaling sila..Libre lahat pati pulutan kaya inom lang..Good time to the max talaga..Witnessed a group of yuppies na wild magparty...Chinese Citybankers daw sila at from a conservative office attire look they remove their clothes and danced wildly dun sa may band..Grabe lang pare-pareho pa talaga sila ng costume..Drank 4 bottles of Corona beer (katumbas ng San mig lights) na nilalagyan ng lemon sa loob at hinatid na kami sa hotel namin..Pinagtake-out pa kami nun friend nya ng lumpia at chicken..

This is it!!Walang kapagod-pagod..walang kaantok-antok.Nagstart na ang aming casino hopping!!! I can say na safe naman sa Macau maglakad ng madaling araw..Walang pulubi or holdapers on the street..Think of this yun jewelry store na katabi ng hotel namin walang guard,walang pinto at open 24 hours..kaya nasabi kong safe sa Macau..Marami din pimps on the street waiting for customers..Iba't ibang nationality pa sila hehehe..

Una namin pinuntahan ang Casino Lisboa. Bigtime na talaga kami since hindi na kami sa slot machines naglalaro..Sali na kami sa mga tables and play High-Low..Dito sobrang 50-50 ang chance na manalo ka tapos minimum bet required is 100HKD so mabilis ang pera dito. Again nanalo ulit ako..pero 200HKD lang..That's the end of my winning days.hehehe Lipat naman kami sa ibang casino to try our luck..We went to Lisboa, Grand Lisboa, Fortuna, Casa Real, President, and Wynn Casino..Grabe lang sana tumigil na ko maglaro..Siguro hindi na ko nanalo since nakainom na ako at mejo wala na sa pag-iisip tapos dumating na sa point na gusto ko magbet na lang ng magbet sa slot machine na sana makaisa pero hindi na ulit nangyari yun...From that on hindi na ko nanalo at ang 700+ winnings ko 400HKD na lang pero at least nanalo diba..Antok na kami at umuwi ng mga 4:30AM. Pagdating sa hotel bagsak agad at ambilis ko makatulog...

I like to go back to Macau to see the other attactions in Venetian Hotel..Siguro kapag gawa na yun City of Dreams...at syempre babalik ako sa Macau para magcasino!!bwahahaha. Sana itour ulit kami ni Allan sa next Macau visit namin..Masarap sa Macau dahil you are free to do whatever you want...Macau-nightlife at gaming capital of Asia.

-end of Day 3! =) (Halos tapos na ang maliligayang araw namin as tourists since uuwi na kami kinabukasan..hehehe)

Ate Kathleen's Despedida Party




September 28, 2008 @ Dulo

Statsoc CD September 27-28,2008

It's my 11th CD appearance already.. Hahaha i dont know if I handle the record of the most CD appearance..parang talo pa ata kasi ako ni Ross eh dahil mas una sya nag-apply sa kin sa Statsoc...

I arrived sa tambayan ng mga 6:10 and found out na nakaalis na pala sila at naiwan na ako ng jeep. Dumaan muna ako sa simbahan for a while and then texted Maze for directions.. Mejo magulo naman yun sagot nya pero nakatulong yun sinabi nya pag nakakita ng radar andun ka na. 7th CD na rin namin dun sa Paraiso pero 1st time ko na pupunta dun ng commute. Hula ko lang yun mga sinakyan ko..Sumakay ako ng Philcoa then San Mateo. Di muna ako nagbayad dahil di ko alam kung ano sasabihin ko sa driver..Parang ayaw ko naman sabihin na "Manong ibaba nyo po ako sa Paraiso.." kasi iniisip ko alam kaya nya yun..pano ko kaya papaliwanag kung di nya alam yun..Buti may nagbayad ng isang Paraiso at dali daling ginaya ko ang sinabi nya.hehehe Nanghuhula lang ako..hindi ko lam kung tama ba yun dinadaanan namin or kung lumagpas na ako..at nun nakita ko yun Cablestar at may malaking radar sa bubong baba na agad ako.. =) From there alam ko na at nilakad ko na hanggang dun sa resort.

Pagdating ko kumain muna ko ng binili kong Rodics from UP and then joined na the members sa mga gingawa nila sa apps.hehehe Natuwa ako dahil madaming members na nagpunta sa CD ngayon compared last sem. Kawawa ang mems at apps ngayon CD dahil umuulan at maputik ang lupa..Pero i think nag-enjoy din ang mga mems dahil naglaro din sila sa putik.ahahaha

Suddenly cguro around 10pm ata, biglang may nag-away na members..Si kee at marvin! Ano to?!!! bakit may ganun? 1st time to sa CD..Syempre as their friend, pasok naman agad ako sa eksena para pigilan sila.Nagtutulakan na kasi ang dalawa eh ano pa ba dapat kong gawin..Not knowing that everything is fake at gawa gawa lang para isurprise si She..Sugod si kee..awat kay kee..sugod si marvin..awat kay marvin.galit na ko?!! sugod ulit si kee at ginamit ko na ang katawan ko at ayun tumalsik si kee..sorry naman pero tigilan nyo na to..Hindi ko maintindihan ang sinasabi nilang pinagawayan nila..parang walang sense..Then pasok si she umiiyak na. Then sabi ni mic na sa kubo na lang daw pag-usapan.punta na din si marvin dun sa may kubo..teka ano to?parang alam ko na!!!grr!!nkakainis!!!!para akong nayari sa Yari ka ni Michael V.Nang buksan ni she ang kahon na pinag-awayan daw ni kee at marvin, may lumabas na mga lobo at bigla silang kumanta ng Happy birthday!!natawa ako..Wow! What a show! what a surprise! Congrats kay kee at marvin! pang-oscars talaga.Congrats sa Personnel committee for successfully pulling out a surprise..That was superb!!haha speechless ako. Siguro kung wala ako dun di naging successful yun ahahaha joke.Naging victim ako at accomplice at the same time..

Balik sa CD proper, mejo bored na din since paulit-ulit na lang ang nagaganap sa CD kaya upo na lang ako sa isang tabi at di na masyado nakikialam sa knila.. I wanna commend Jong sa ginawa nya dun sa phpart nya..teka bawal ba tong sabihin? Tawang-tawa talaga ako sa knya "makilala makilala, what you've got what youve got?!, ok guys, Super benta!!!

Ayun late na natapos ang CD..nagagalit na nga yun may-ari eh..pinapatapos na agad yun CD...ano kaya pumayag pa kaya sila next sem na sa Paraiso iheld ang CD?

Umalis kami dun ng mga 10AM. Sumama ako sa ICOM sa breakfast nila sa Mcdo Philcoa..Sabi kasi libre daw kasi ni Maze yun pala hindi...haha. Sumama din sina NiƱo, Jamie, Vlad, Tsong at Mesi..Tuwang-tuwa kami kay mesi dahil halos lahat kami ay tulog na sa jeep tapos nonstop pa rin sya sa kakasalita. Go divesiren!!!ahahaha. Ayun chika-chika and then uwi na din ng 11:30am

Grabe wala na naman akong tulog dahil pag-uwi ko sa bahay, naligo lang ako at pumunta sa despedida ng pinsan ko...Hay overall, as an alumni, nakakamiss umattend ng mga statsoc activities na inaattendan mo dati...wala naman kasing ganyan sa work eh.hahahaha